SINO ANG MGA DINO?
Nagsimula ang Dino Runners sa simpleng samahan ng magkakaibigan na gusto lang gawing mas masaya ang kanilang running era.
Sama-samang tumatakbo, nagtatawanan, nagkukulitan, at higit sa lahat, nagtutulungan para maging consistent sa pagtakbo. Walang komplikadong plano noon — basta ang importante, masaya ang bawat takbo at may mga tropang kasabay sa bawat kilometro.
Habang tumatagal, unti-unting lumaki ang samahan. May mga runners na gustong sumali dahil nakikita nila kung gaano ka-active, kasaya, at ka-welcoming ang grupo.
Pero para sa amin, hindi lang sa pagiging official member nasusukat ang pagiging Dino.
Marami rin kaming nakakasabay na runners mula sa iba't ibang running groups dito sa San Jose del Monte, Bulacan. At para sa amin, parte rin sila ng samahan. Iba-iba man ang grupo, pare-pareho kaming may pagmamahal sa pagtakbo.
Dahil sa Dino Runners, hindi lang pace, distance, o personal records ang mahalaga. Mas importante ang samahan, consistency, at masasayang memories na nabubuo sa bawat takbo.
